Covid update: 72,607 gumaling; 150 nasawi; 10,098 bagong kaso

45

PUMALO na sa 936,133 ang kabuuang bilang ng tinatamaan ng sakit na COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 10,098 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Abril 18.

Samantala ay nakapagtala naman ng napakataas na bilang ng mga gumaling sa loob lamang ng isang araw na umabot sa 72,607 habang 150 naman ang naitalang pumanaw.

Sa kabuuan nasa 779,084 na ang recoveries habang 15,960 naman ang mga pumanaw na sa sakit.

Habang ang aktibong kaso ay nasa 141,089.

Nasa 17 naman ang duplicates ang inalis sa total case count kung saan 7 ang recoveries.

Bukod dito, 48 kaso ang na-tag bilang recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.

Paalala ng DOH, ang sama-samang husay sa pagsunod sa public health standards ang siyang susi ng ating kaligtasan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.