Advertisers
TINIYAK ng Estados Unidos na bukas silang tumulong sa Pilipinas para maprotektahan ang teritoryo natin kontra sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na hinihintay lamang ng US ang tawag mula sa pamahalaan ng Pilipinas bago sila ay tuluyang gumalaw at tuluyang mapaalis ang mga barkong pangisda ng China sa Julian Felipe Reef.
Giit pa nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng US Navy sa Philippine Navy maging ang Pentagon at ang Armed Forces of the Philippines.
Matatandaang inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang tanging paraan para maangkin ng bansa ang West Philippine Sea ay ang pagdeklara ng giyera sa China subalit hindi ito gagawin ng Pilipinas. (Josephine Patricio)