Advertisers

Advertisers

2 tanod na ‘nakapatay’ ng curfew violator swak sa ‘Homicide’

0 227

Advertisers

SINAMPAHAN na ng kaso ang dalawang barangay tanod sa Calamba City, Laguna na nambugbog sa isang 26-anyos na lalaki na lumabag sa curfew, bagay na ikinamatay ng biktima.
Ayon sa abogado ng pamilya ng biktima na si Atty. Lui Tongson, kasong Homicide ang isinampa nila sa Calamba City Prosecutors Office laban kina Arjay Abierta at Jomel Ortiez, kapwa tanod ng Barangay Turbina.
Abril 7, 2021 nang pagtulungan umanong bugbugin ng mga tanod si Ernanie Jimenez dahil sa paglabag sa curfew hours.
Ilang araw pang nanatili ang biktima sa ospital bago binawian ng buhay.
Umapela ang ama ng biktima na si Juanito Jimenez Jr. na sumuko na ang mga suspek.
“Doon sa dalawang tanod, kung kayo po ay nakokosensiya, kayo ay sumuko na dahil ‘yung ginawa ninyo sa anak ko ay karumal-dumal yun,” ayon kay Jimenez Jr.
Pinag-aaralan din ng pamilya ng biktima na kasuhan ng administratibo sa Department of the Interior and Local Government ang barangay chairman ng Turbina na si Rodel Manalo dahil sa kapabayaan na madala sa ospital ang biktima.