Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Health at National Task Force against COVID-19 na umabot na 246-K Pinoys, ang ‘fully vaccinated’ na laban sa COVID-19.
Sa datos, nasa 1,809,801 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan matapos ang halos dalawang buwan mula nang mag-umpisa ang vaccination rollout sa Pilipinas.
Nabatid na ang 88% (1,562,815) ng alokasyong 1,780,400 doses ang naiturok bilang first dose habang 14% o 246,986 ang naiturok na bilang second dose.
“As of 27 April 2021, 3,415 vaccination sites are conducting COVID-19 vaccination in various sites in 17 regions.”
Sa ngayon nasa 3,525,600 na ang naitalang COVID-19 vaccine doses na hawak ng bansa.
Nadagdagan ito ng 500,000 doses matapos dumating ang shipment ng Sinovac vaccines na binili ng Pilipinas China.
“86% of the available doses have been distributed, equating to 3,025,600 out of 3,525,600.”
Binigyan-diin ng DOH at NTF na tanging mga healthcare workers, senior citizens, at populasyon ng may comorbidity o ibang sakit ang tinuturukan ngayon ng mga bakuna. (Josephine Patricio)