Advertisers

Advertisers

Mga Pinoy galing India ban muna sa Pilipinas

0 514

Advertisers

BAN muna ang mga Pinoy mula sa India na makapasok ng Pilipinas dahil narin sa surge ng COVID-19 cases sa naturang bansa.

Ito ang ipinaalala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko kasunod ng pahayag ng Malacañang na ipagbawal muna ang pagpasok sa Pilipinas ng mga biyahero mula India at sa mga may travel history mula sa naturang bansa.

Magtatagal ang temporary travel ban sa loob ng dalawang linggo mula Abril 29 hanggang Mayo 14.



“Sa ngayon parang napagdesisyunan that even our fellow Filipinos hindi muna natin papapasukin for this temporary period na sinasabing 14 araw o 2 linggo,” ani Vergeire sa virtual briefing na idinaos nitong Miyerkoles.

“This is just so we can be able to ensure na ma-guard natin ‘yung borders natin. Lahat po yan ita-transmit as advisory especially for fellow Filipinos who would wish to go home coming from this country,” paliwanag pa ni Vergeire.



Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang Indian variant na unang na-detect sa India at may mutations sa spike protein nito ay natukoy na sa 17 bansa.

Tiniyak ng DOH na hindi pa nade-detect ang Indian variant sa Pilipinas. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">