Advertisers
SINARADO muna ng Archdiocese of Cagayan de Oro (CDO) ang anim sa kanilang parish churches simula nitong Miyerkoles dahil ilang pari doon ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay CDO Archbishop Jose Cabantan, ang mga sinarang simbahan ay ang Jesus Nazareno at San Isidro parishes sa Cagayan de Oro City; at ang Our Lady of Candelaria sa Tagoloan, Inmaculada Concepcion sa Jasa-an, Our Lady of Mt. Carmel sa Bobontugan, at Santa Cruz sa Laguindingan.
Ang mga naturang simbahan ay magsasarado sa loob ng 10-araw simula kahapon, Abril 28.
Habang sarado ang mga simbahan ay isasailalim ito sa disinfection.
Humihingi ng pang-unawa si Cabantan sa mga mananampalataya dahil sa pangyayari. Umaapela rin siya ng panalangin para sa agarang ikagagaling ng mga paring dinapuan ng virus. (ANDI GARCIA)