Advertisers

Advertisers

Covid cases sa Metro Manila bumaba ng 18%; bagong kaso 7,255; 94 patay

0 269

Advertisers

BUMABA na ang kaso ng COVID 19 sa Metro Manila kumpara sa naitalang bilang ng noong nakaraang linggo, ayon kay OCTA Research fellow Guido David.
Ayon kay David, ang reproduction rate ay 0.83 hanggang noong nakaraang linggo, samantalang ang average na bilang ng kaso kada araw ay 3,144 hanggang nitong Linggo, Mayo 1.
Sinabi ni David, ang naitalang pinakamataas na 5,500 sa Metro Manila sa kasagsagan nang pagsirit ng kaso ay bumaba ng 43 porsiyento.
Dagdag pa ni David 17 porsiyento na lang ang positivity rate sa Kalakhang Maynila gayundin ang hospital utilization rate.
Ngunit bilin nito, hindi dapat maging kampante ang publiko sa katuwiran na mataas pa rin ang bilang at dapat ay mas mag ingat para tuluyan mapababa ang bilang ng kaso.
Kaugnay nito, bumaba ng bahagya ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 ng Department of Health (DOH) nang ito ay makapagtala ng 7,255 nitong Lunes, Mayo 3.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,214 na gumaling at 94 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 6.5% (69,466) ang aktibong kaso, 91.8% (975,234) na ang gumaling, at 1.65% (17,525) ang namatay.
Paliwanag ng DOH, ang mababang bilang ng kaso ngayong araw ay dulot pa rin ng hindi pagsumite ng mga laboratoryo ng datos noong Sabado, May 1.
Ayon pa sa DOH, patuloy ang ahensya na nakikipagtulungan sa mga laboratoryo upang masiguro ang regular na pagsumite ng datos kada araw. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)