Advertisers

Advertisers

Consultant sinugod ng killer sa bahay

0 300

Advertisers

ISA ang nasawi at isa ang malubha nang pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin sa Purok 4, Barangay Samon, Cabanatuan City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Eduardo Jaime Gunsay, 61 anyos, land titling consultant; at ang sugatan ay si Jestoni Concepcion Arevalo, 33, kapwa residente ng naturang lugar.
Sa report, 8:45 ng gabi, nasa loob ng kanilang tahanan sina Gunsay at si Arevalo nang dumating ang salarin at pinagbabaril ang dalawa.
Ayon sa ulat, target si Gunsay na tadtad ng tama ng baril at nasawi noon din. Nagawa namang maitakbo sa ospital sa Cabanatuan City si Arevalo.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.