Advertisers

Advertisers

Lolo nasa drugs watchlist tinumba ng tandem sa Tondo

0 302

Advertisers

NASAWI ang isang motoristang senior citizen nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Alberto Neneng, 64 anyos.
Sa ulat, sa kuha ng CCTV ng Barangay 207, nagmamaneho ng motorsiklo ang biktima sa Solis Street nang dikitan ng riding-in-tandem at pinagbabaril.
Angkas pa ng biktima ang kaniyang asawa na nagtamo ng mga galos sa binti dahil sa pagkakatumba sa motorsiklo.
Ikinagulat ng pamilya ang pamamaril lalo’t wala silang alam na nakaalitan ng biktima. Pero ayon sa pulisya, kasama ito sa drugs watchlist.
Tatlong basyo ng kalibre .45 na baril ang nakuha sa crime scene. (Jocelyn Domenden)