Advertisers
BIGLANG natuon sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG) anomaly ang pokus ng madla, natakpan ang Impeachment Trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito’y matapos ianunsyo ni NBI Director Melvin Matibag na may mga nakalap silang bagong ebidensiya tungkol sa matiding katiwalian sa naturang biennial games na ginanap sa bansa.
Umalma rito ang mag-utol na Senador, Alan Peter at Pia Cayetano.
Si Alan kasi ang nangasiwa sa bilyon bilyong pisong pondo sa mga pagpagawa sa sports complex sa Clark, overpriced cualdron (kalderong nagsisilbing sulo sa palaro), mga pagkain at uniporme ng mga atleta.
Sinabi ni Matibag na hanggang ngayon ay malaking halaga pa ang hindi na-liquidate, at ang pagpagawa sa sports complex ay hindi raw dumaan sa bidding.
Natuklasan pa na ang pondo na ginamit rito ay mula raw sa insertions, at may nagsabing may P12 billion mula sa intelligence funds ni noo’y President Rody Duterte.
Inimbestigahan narin noon ang isyung ito. Pero dahil sa Covid 19 pandemic ay hindi ito natutukan, tapos nilinis pa ni Digong si Alan. Wala raw anomalyang nangyari, sa kabila ng mga expose nina Senador Risa Hontiveros at noo’y Senador Franklin Drilon.
Nangyari ang pagbukas sa kaso nang kamakailan ay mapunta sa Clark, Pampanga si Matibag at makatanggap ng mga reklamo tungkol sa katiwalian sa pagpagawa sa naturang complex.
Nang ianunsyo ni Matibag ang pagbuo ng task force para buhayin ang imbestigasyon sa umano’y katiwalian sa 2019 SEAG, hindi na tumigil sa pagtatalak ang mag-utol na Cayetano.
Say ni Alan, iniisa-isa na sila. At wala siyang choice kundi ang lumaban.
Kapag natapos kasi ang imbestigasyon ng NBI dito ay malamang na may makakasuhan ng Plunder. Mukhang ramdam ito ni Alan. Araguy!!!
Sinasabing bukod kay Alan, malamang na madamay ang super-alalay noon ni Digong. Dalawang taga-Davao City raw kasi ang kumamal ng limpak limpak sa 2019 SEAG fund.
Mukhang kilala ko ang super alalay na ito. Go lang sa imbestigasyon, Direk Matibag.
Si Alan ay kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) nang ipagkatiwala sa kanya ni Digong ang paghawak sa pondo para sa pagpagawa ng naturang sports complex at sa iba pang kailangan ng mga atleta at opisyal ng palaro.
Kung bakit si si Alan?. Ito raw ang ginawang front ng taga-Davao City na dikit kay Gongdi.
Well, kung tunay na walang ginawang katiwalian dito si Alan, harapin niya ang imbestigasyon ng NBI. Ipakita niya ang kanyang mga resibo na maglilinis sa kanyang pangalan. That’s it!
Pero kapag lumabas na guilty siya, magiging magka-kosa sila nina Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada at Bong Revilla.
Subaybayan!