Advertisers

Advertisers

Good news sa mga matagal nang miembro ng 4Ps… PBBM APRUB PAGPALAWIG NG 7-YEAR LIMIT SA MGA BENEPISYARYO!

0 7

Advertisers

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpapalawig ng 7-year limit para sa kuwalipikadong Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) benepifiaries.

Ito’y batay sa Executive Order No. 120 na nilagdaan ni PBBM July 13, 2026.

Ginawa ng Pangulo ang hakbang kasunod narin ng rekomendasyon ng National Advisory Council para sa extension bilang paraan para maibsan ang epekto ng krisis sa kabuhayan ng mga benepisyaryo.

Batay sa EO, maaari paring makatanggap ng ayuda ang mga benepisyaryo hangga’t sila ay nananatiling kabilang sa Level 1 o survival, at Level 2 o subsistence batay sa Social Welfare and Development Indicator (SWDI) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa kautusan, isinasaalang-alang ng pamahalaan ang naging epekto ng COVID-19 pandemic na nagpababa sa kita ng maraming pamilya at nakaantala sa kanilang pag-unlad.

Layunin ng EO na matiyak na patuloy na makatatanggap ng sapat na suporta ang mga benepisyaryo hanggang sa maabot nila ang antas ng pagiging self-sufficient o sapat na ang kakayahan para matustusan ang kanilang pangangailangan.

Inatasan din ang DSWD na palakasin ang case management system at gamitin ang mas pinaigting na SWDI upang masuri kung handa nang makapagtapos sa programa ang bawat benepisyaryo.

Ang pondo para sa pagpapatupad ng EO ay kukunin muna sa kasalukuyang pondo ng DSWD, habang isasama sa mga susunod na panukalang budget ng ahensya ang kinakailangang pondo para sa patuloy na implementasyon ng programa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)