Advertisers
ARESTADO sa buy-bust operation ang isang retiradong pulis sa Barangay San Francisco, Iriga City, Camarines Sur.
Kinilala ang naaresto na si PSSg. Richmond Ursus Turiano Bonnevie II, dating naka-assign sa Regional Communication and Electronics Unit 5 (RCEU5), at 45 anyos.
Nakumpiska sa kanya ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P65,280.
Ayon sa pulisya, isa sa mga mino-monitor ang nasabing retired Philippine National Police (PNP) personnel sa ilalim ng IMEG COPLAN “DI-NA” dahil sa mga impormasyon na umuugnay sa kanya sa ilegal na droga.