Advertisers

Advertisers

Sharon pumalag sa isyung binugbog ni Sen. Kiko kaya lumipad pa-Tate

0 244

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

UMALMA ang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga tsikang binubugbog umano siya ng asawang si Senador Kiko Pangilinan.

Nilinaw din niya na hindi totoo ang mga nagkakalat ng tsismis na nagkakalabuan na ang pagsasama nila ng mister.



Hindi rin daw ito ang rason kaya siya tumulak pa-Amerika.

Aminado naman siyang ang kanyang bakasyon ay isang breather at para naman maiba ang kanyang senaryo dahil matagal na rin niyang nami-miss ang pag-travel.



Sa Instagram live session na idinaos niya para sa kanyang mga faney, idinenay niya na on the rocks ang marriage nila ni Kiko.

Ni hindi rin daw siya kayang saktan ng sinumang lalake dahil bilin daw ng tatay niya na kung mangyayari ito ay agad na iwan niya kung sinuman ang Poncio Pilatong ito.



“Asawa ko po, ni minsan ang daliri niyan ‘di dumapo sa akin. Kabilin-bilinan po ng tatay ko ‘yun. The minute na nasaktan ka kahit sampal, iwanan mo na,” hirit niya.

Hirit pa ni Sharon, cheap daw ang nasabing rumor.

Tanggap daw niya kung itsitsimis daw siya sa kanyang idol at crush na si Keanu Reeves o kayaý sinuman sa miyembro ng K-Pop group na SHINee o NCT.

Sinamahan naman siya sa nasabing live session ni Senator Kiko na dedma lang sa mga tsismis sa kanila.

“Nalinaw na rin namin ang mga walang kakwenta-kwenta at walang katotohanang mga chismis! We love you! God bless you all!!! #teamkiwie @kiko.pangilinan @frankiepangilinan @miel.pangilinan,” caption niya.

Nakakuha naman ng kakampi ang Megastar sa kanyang followers na hindi rin solb sa alingasngas na nagkakalabuan na ang mag-asawa.