Advertisers

Advertisers

Bawal uminom sa kalye

0 15

Advertisers

BAWAL na ang pag-iinom sa kalye.

Ito ang mahigpit na kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Jonvic Remulla.

Tama ang kautusang ito ni Jonvic. Kasi nga ‘pag lasing na ang mga tomador sa kalye ay nawawala na sa wisyo ang mga mokong. Nangggulo na o kaya’y nambabastos ng mga dumadaan, lalo ‘pag babaeng naka-mini skirt ang naglalakad sa kalye.

Sabi naman ng mga lasenggerong tambay, pmapasok naman sila sa bahay ‘pag may dumaang mga pulis. Hehehe…

Hindi lang paglalaklak sa kalye ang ipinagbabawal ng DILG, pati ang pag-topless sa pampublikong lgar, at pagbi-videoke nang lagpas 10:00 ng gabi.

Hindi naman talaga magandang tingnan ang mga nakahubad ng damit sa kalye, parang naghahanap ng gulo. Okey lang siguro kung babae. Hehehe…

At itong pagbi-videoke ng lagpas sa 10:00 ng gabi dapat lang ipagbawal dahil malaking istorbo ito sa mga gusto nang magpahinga ng maaga dahil may trabaho sa araw o kaya’y nag-aaral. Buti sana kung maganda ang boses, pampatulog. Paano kung parang nagbabasa ng pasyon, mababato mo ng bote eh. Hehehe…

Suma total, saludo tayo sa tall order na ito ni Sec. Jonvic!

Actually, may mga municipal, city at barangay ordinances na nagbabawal sa pag-iinom sa kalye, paghuhubad ng damit at pagbi-videoke ng lagpas 10:00 ng gabi, kaso ‘di naipapatupad. Lalo ngayong nalalapit ang barangay election, malamang dedma sa reelectionists ang mga bagay na ito. Pramis!

Well, tingnan natin kung hanggang saan aabot ang katsang ito ni Jonvic. Baka ningas-cogon lang din ito.

Bantayan!

***

Nag-isyu ang House Committee on Justice ng subpoena ‘testificandum et duces tecum’ para atasan si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na dumalo sa pagdinig ng komite sa Abril 14 kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Pinagsusumite rin si Boying ng certified true copies ng Statement of Assets, Liabilities and NetWorth ng Bise Presidente.

Dadalo kaya si Boying?

Nauna nang sinabi ni Boying na ilalantad niya sa komite ang SALN ni Inday Sara. Yari si Inday…

Abangan!

***

SABIng mga DDS: Walang matibay na ebidensiya para ituloy ang impeachment laban kay VP Sara. Gann?

Kung walang sapat na ebidensiya, bakit ayaw n’yo hayaang ituloy ang impeachment?

Aba’y napakagandang pagkakataon na ito para kay VP Sara na linisin ang kanyang pangalan, ipahiya ang mga kongresistang kahol nang kahol laban sa kanya.

Guilty ba si VP Sara kaya iginigiit nilang patayin ang impeachmnent?

Say n’yo mga pare’t mare?