Advertisers
Ipinahayag ni Caloocan Mayor Along Malapitan na inaanyayahan ang lahat ng mga kwalipikadong residente na magparehistro sa kanilang Social Protection Assistance Database upang makakuha ng mga serbisyong panlipunan mula sa Caloocan City Social Welfare and Development.
Ayon sa Pamahaalaang Lungsod ng Caloocan na maaaring magpa-rehistro ang mga residente na may mga sumusunod na trabaho factory worker, fast food worker, gasoline station worker/gas station attendant, construction worker, household helper o kasambahay, market vendor, street vendor o ambulant vendor (mga naglalako), food cart vendor (hal. magtataho, sorbetero, fishball vendor), porter, pahinante, o kargador, laundry worker/plantsadora, maintenance worker/utility worker, service crew, self-employed o raket-based worker, may irregular, seasonal, o walang regular na kita.
Maaring buksan ang link https://bit.ly/CaloocanSPAD2026 o i-scan ang QR code para mag-rehistro.
Ayon kay Malapitan, libre lang ang pagpaparehistro. At lahat ng ipapasang impormasyon para sa database, mananatiling pribado at magsisilbing batayan lamang ng pamahalaang lungsod para sa kanilang mga susunod na programa at serbisyong panlipunan. (BR)