Advertisers

Advertisers

Partido ni Pacquiao sinipa sina Sec. Cusi at 2 pa sa pagsuporta sa ibang political party

0 249

Advertisers

NAGLASLASAN na ang mga opisyal ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban na pinamumunuan ni boxing Senator Manny Pacquiao.

Nitong Biyernes, sinipa sa partido ang kanilang vice chairman na si Energy Secretary Alfonso Cusi, Deputy Secretary General Melvin Matibag at membership committee head Astra Naik dahil sa mga ginagawa nilang hakbang na walang basbas ng mas mataas sa kanila.

Inalis ng National Executive Council ng ruling party na pinamumunuan ni Pacquiao sina Cusi, Matibag at Naik dahil sa pagtutulak kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbong presidente sa 2022. Si Sara ay anak ni Presidente Rodrigo Duterte, ang national chairman ng PDP-Laban.



Ang PDP-Laban resolution na ginawa noong Hulyo 3 ay halos nakatuon lahat sa pagtutulak ni Cusi kay Sara para sa pagka-pangulo, inanunsyo rin niya sa publiko na bukas siya sa posibleng tandem nina Sara at kanyang ama para sa 2022 elections.

Sa miting na pinamunuan ni Cusi noong Mayo 31, tinutulak niya ang kandidatura ni President Duterte bilang Vice President sa darating na halalan, pero hindi niya tinukoy na ang running mate nito ay mula sa partido.

“Thus, Vice Chairman Cusi is already manipulating the party to support the Duterte-Duterte tandem which is a blatant admission of supporting Sara Duterte Carpio for president, who is not a member of the party,” saad ng resolution.

“He is guilty of having allegiance to a candidate and her political ideals and party. Such a candidate does not even believe in federalism, her party fielded candidates against and opposed official candidates of PDP-Laban in 2019 elections, and she is vehemently opposed to joining the PDP-Laban party.”

Sina Matibag at Naik ay inakusahan ng “direct participation” sa mga ginawa ni Cusi, dahilan ng pagsibak sa kanila sa partido.



Si Pacquiao, may planong tumakbong Presidente sa 2022, ay kasalukuyang nasa Estados Unidos, puspusang sumasailalim sa matinding training para sa nakatakdang laban kay undefeated IBF-WBC welterweight champion Errol Epence.

Pinagbawalan muna si Pacquiao ng kanyang mga coach na mag-entertain ng anumang interview para hindi masira ang training nito.