Advertisers
MUKHANG hindi na tayo makakaahon sa mga lockdown dulot ng pandemya ng Covid-19 na nanganganak ng kung anu-anong fraternity ng variants na sila-sila lang din sa pamahalaan ang nakakakilala.
Oo! Simula sa August 6 (Biyernes) hanggang 20 (Bi-yernes) ay isasailalim uli sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown ang National Capital Region (NCR) o Metro Manila dahil sa pagkalat daw ng ‘Delta’ variant ng Covid-19.
Hindi natin alam kung saan nanggaling at kung paano nila nakilala itong virus na si “Delta”, kapatid siguro ito ng mga naunang variants na sina “Alpha” at “Beta”. Ang ‘di lang nakapasok si “Charlie”, sinipa yata ni Delta. Hehe…
Wala naman tayong magagawa kung anong sabihin ng taga-Department of Health (DoH). Sila ang otoridad pagdating sa concerned ng kalusugan. Sumunod nalang tayo sa kanilang pagkakakitaan. Ehek! Nakakabuwisit lang na sa higit isang taon nang under quarantine ang bansa ay wala paring epektibong solusyon ang ating gobierno kundi ang mag-lockdown nang mag-lockdown. Yawa!!!
Remember nang unang pumutok ang Covid-19 noong Marso 2020?, inilagay sa tatlong buwan ECQ ang buong Pilipinas partikular NCR. Pero hindi naman nawala ang China-made virus, tumaas pa nga ang bilang ng mga kaso.
Sumunod ibinaba ang mga lockdown na iba-iba ang tawag – NCR Plus Bubble, Granular, Circuit Breaker. Ewan!
Ilang bilyong piso, trilyon na nga, ang inutang ng gob-yerno sa loob at labas ng bansa para makabili raw ng mga personal protective equipments at mga bakuna para mapigil ang hawaan ng Covid-19, wala rin!!!
Ang tanging sagot daw para mapigil ang pagtaas ng Covid cases ay bakuna. 70 milyong Filipino ang target mabakunahan para magkaroon raw ng herd immunity. Kaya nangutang nang nangutang ang Duterte administration para makabili ng 140 milyong doses ng mga bakuna. Pero ang nangyari mas marami pang donasyon na bakuna ang dumating kesa nabili. Fuck!
Tapos sa kanyang huling SONA nitong Lunes, nam-bully na naman si Pangulong Duterte. Inatasan ang mga barangay kapitan o tserman na huwag palabasin ng bahay ang mga ayaw pabakuna o hindi bakunado.
Sus! Akala mo naman napakarami niya nang bakunang nakahanda. Eh nag-iiyakan nga ang mga mayor dahil kulang na kulang ang ibinibigay na bakuna sa kanila mula sa DoH. Minumura na nga raw sila ng kanilang constituents na gustong magpabakuna kaso wala silang bakuna.
Kung pataas-pababa man ang Covid cases sa bansa ay dahil narin sa kapabayaan ng Duterte administration, puro sila drawing, bola-bola, paasa!
Kung totoo ang sinasabi ni Digong mula pa noong Nobyembre 2020 na nakabili sila ng milyon milyong doses ng bakuna na inutang pa raw sa World Bank at Asian Bank, dili sana’y nabakunahan na lahat! Dapat nasa normal na uli ang ating pamumuhay. Wala sanang nagpasukang kung ano-anong grupo ng fraternity ng virus na Alpha, Beta, Delta, Sputnik. Bwisit!
Sa Lunes, August 6, balik lockdown o ECQ na naman ang NCR. Tatalima tayo, bayan. Sarado uli mga negosyo Wala uling labasan ng bahay. Pero dapat after two weeks ng lockdown na ito, kung hindi man maging zero covid case ang Pilipinas, dapat hindi na abot sa 100 ang mga positibo. Tama ba ako, mga pare’t mare.
Or else, huwag na nating tangkilikin ang mga kandidato ni Duterte sa 2022. Dapat!
Yes! baka ang 2022 ang formula para matapos ang Covid!