Advertisers
NABIKTIMA ng fake order ang dalawang food establishments gamit ang pangalan ng isang konsehal sa Olongapo.
Ayon kay Konsehal Tata Paulino, umaga ng Martes, dumating ang mga tauhan ng isang tindahan para kumpirmahin ang order na lechon belly at mga bottled water.
Bagama’t naipakansela ang unang order, bandang tanghali nang dalhin ng mga delivery boy ng isa pang hiwalay na establisimiyento ang lechon belly, mga inihaw na bangus at napakaraming mineral water.
Umabot ng halos sampung libong piso ang lahat ng mga order na nakapangalan kay Paulino na binayaran at kinain ng ibang empleyado ng cityhall habang ang konsehal naman, nagbayad ng P2,000 para sa ilang kilo ng lechon belly.
Maliban sa mga pagkain, sa utos daw ni Mayor Leni Paulino, sinubukan ding humingi ng halagang P1,000 cellphone load ang nagpakilalang konsehal.