Advertisers

Advertisers

FUEL TANKER NAHULOG SA TULAY, NAGLIYAB: 2 PATAY, 3 SUGATAN

0 248

Advertisers

DALAWA ang patay at tatlo ang sugatan nang magliyab ang fuel tanker matapos mahulog sa tulay sa Bagabag, Nueva Vizcaya, Linggo ng gabi.

Ayon kay Police Major Romeo Barnachea, Jr., hepe ng Bagabag Police Station, galing Pulilan, Bulacan ang tanker na may kargang 40,000 litro na krudo. Papunta itong Isabela. Pagpasok nito ng San Lorenzo Bridge sa Barangay Baretbet, Bagabag, sumalpok ito sa kaliwang railings ng tulay at nahulog. Nagliyab nang bumagsak sa ilalim ng tulay bandang 11:00 ng gabi.

“Nakausap natin ‘yung isang survivor, parang naka-idlip daw ‘yung driver nila… Ang bilis daw ng pangyayari,” ani Barnachea.



Narekober ang bangkay ng pinaniniwalaang drayber at pahinante ng tanker. Hindi sila makilala dahil kapwa sunog ang mga katawan.

Dinala sa ospital ang 3 sugatang lalaki at inaalam pa ang mga pagkakilanlan. Napag-alamang nakisakay lang ang mga ito.



Nadamay rin sa sunog ang isang bunkhouse sa ilalim ng tulay. Pero walang nasaktan sa mga trabahador doon dahil agad nakatakbo ang mga ito.

Nagsasagawa na ang Department of Public Works and Highways ng damage assessment sa tulay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">