Advertisers

Advertisers

Shortage sa PGH: 5 volunteer doctors na lang ang natira

0 251

Advertisers

Hindi na malaman ng Philippine General Hospital kung paano nila matutugunan ng maayos ang Covid-19 response ngayong kulang na kulang na sila sa mga tauhan.

Sa ngayon kasi, lima na lang ang natirang volunteer doctors matapos na hindi na mag-renew ng kontrata ang 20 iba pa.

Ito ay kinumpirma mismo ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario nitong Lunes, Setyembre 13.



“The director made an accounting of all the volunteers that we had and he said na lima na lang ang naiwan. Over the course of the year ‘yan, hindi naman sabay-sabay ‘yan. They have the prerogative to renew their contracts,” sinabi niya.

Noong nakaraang linggo lamang sampung volunteer doktors agad ang kumalas na.

Dahil sa manpower shortage, nagpapatupad na ng ‘task sharing’ system ang PGH kung saan nagbibigay na ng tao ang ibang departamento patungo sa Internal Medicine Department na humahawak sa mga COVID patients.

Itinuturing na primary Covid-19 referral hospital ng bansa ang Philippine General Hospital.