Advertisers
Ni JULIET Q. PACOT
NAWINDANG si Angel Locsin dahil hindi lang ang amang senior citizen ang tinamaan ng Covid-19 kundi halos ang kanyang buong pamilya.
Ito ang kinumpirma sa social media ni Angel, pagkatapos daw kuhanin ng ambulansya ang amang si Angelo Colmenares, 94-years old noong Sept. 12, heto at sabay-sabay niyang nalaman na positibo rin pala sa virus ang iba pa niyang kaanak.
Ayon sa aktres, sampung miyembro ng kanilang pamilya mula sa iba’t ibang pamamahay ang nahawaan ng virus.
Sa kabila nito, nagpasalamat si Angel sa lahat ng nagdasal para sa kanyang ama, na nauna niyang pinanawagan.
Mensahe niya sa kanyang Instagram Stories noong September 13: “Thank you for the prayers.
“I’m going to take my post down because this is something I don’t want to remember.
“I just needed to airout yesterday. 10 members of the fam from separate houses got covid.
“Thank you everyone for being a ray of sunshine to me and my family. [heart emoji]”
Sabi niya sa nasabing post, naging “helpless” sila sa loob ng isang linggo dahil sa pagpositibo ang ama na isang senior citizen.
Buong post ni Angel: “It’s been a week of feeling helpless. Imagine having covid at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.
“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWD’s and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass.
Hindi naman nakalimot ang mga kaibigan at ordinaryong netizens na nagpadala ng kanilang mensahe kay Angel at bumaha ang dasal para sa ama.
Bakunado na ang ama ng aktres.