Dinenay na dyowa ang aktres… Jeric in-unfollow si Sheryl sa IG, naasiwa sa mga post; Ellen wala sa bokabularyo ang kasal pero nabago ni Derek
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA post nina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang stories sa socmed ay ipinakita na namanhinkan na nga ang aktor.
Hiningi na nga raw ni Derek ang kamay ng fiancee na si Ellen sa ina nitong si Meriam Go sa Siargao.
Pareho namang nandun ang kaanak nina Derek at Ellen kasama ang anak na si Elias.
Natuwa naman ang followers ng Celebrity Couple dahil finally ay magiging legal na mag-asawa na sila.
Sa pamamanhikan nga ni Derek ay tuluy-tuloy na ang kasalan nila ni Ellen.
Kung si Ellen nga lang ang masusunod ay ayaw na nito ng kasal.
Kilala naman na independent si Ellen kaya kung siya lang ang masusunod ay ayaw sana nito ang kasal.
Pero dahil kay Derek ay nabago na nga raw ang lahat. At ngayon nga raw na namanhikan na ito sa magulang ni Ellen at kinuha na ng aktor ang basbas, wala na nga raw makapipigil pa sa nalalapit na pagpapakasal ng dalawa.
Dahil sa pamamanhikan na ‘yun ay marami namang natuwa na kanilang kaibigan at tagasuporta at tuloy na ang kasal.
Kung kailan ay ‘yun ang aabangan dahil tahimik pa ang celebrity couple sa exact date at lugar ng kasalan.
***
SA IG post naman ng 47 years old actress na si Sheryl Cruz ay makikita na naghahalikan sila ni Jeric Gonzales sa isang scene sa kanilang serye na Magkaagaw na may caption na “I Love You So Bad.”
May post din ang aktres na Tiktok ng dalawa at may caption na “Kay sarap tignan ang inyong mata.”
Naka-tag pa ang aktor sa mga post ni Sheryl.
Sa kampo ni Jeric ay naasiwa pala ito sa mga post ni Sheryl. Kaya nilinaw nito na wala silang relasyon or walang namamagitan sa kanila.
Kasi ang dating ay para silang may relasyon.
Kaya naman nag-react si Jeric at paulit-ulit na pinabulaanan na may namamagitan sa kanila ng aktres.
Pero paano raw mapapaliwanag ni Jeric ang mga post ni Sheryl na may binigay itong pasalubong sa aktres?
Hmmmp!? Well, well, well…’Yun na!