Advertisers
MAGSASAGAWA ang Commission on Elections (Comelec) ng kanilang ikalawang internet voting test run kasama ang technology supplier na Smartmatic ngayong weekend.
Sa isang virtual briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Comelec Office for Overseas Voting (OFOV) director Sonia Bea Wee-Lozada, na ang ikalawang bahagi ng internet voting test run ay magsisimula ng alas-8:00 ng umaga (Manila time) sa Setyembre 18, Sabado, at magtatapos ng alas-8:00 ng umaga sa Setyembre 20, Lunes.
Nabatid na ang voting list ay ipapaskil sa Comelec website at sa official OFOV Facebook page.
Ang mga kalahok naman umano, na sumali noong unang bahagi ng internet voting test run, ang siya ring mga indibidwal na lalahok sa ikalawang bahagi nito.
Sinabi ng Comelec na ang mga participants ay magmumula sa 70 bansa, at ito ay isasagawa nila sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Magdaraos din ang Comelec ng closing ceremony sa Lunes, ganap na ala-1:30 ng hapon. (Andi Garcia)