Advertisers

Advertisers

EO sa pagpapatupad ng guidelines sa granular lockdown sa Maynila, nilagdaan ni Isko

0 87

Advertisers

NILAGDAAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang executive order kaugnay ng pagpapatupad ng mga alituntuntunin sa granular lockdowns sa kabisera ng bansa.

Inatasan ni Moreno si Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay at Business Permit and Licensing Office chief Levi Facundo na malawakang ipakalat ang nasabing EO para sa kaalaman ng lahat ng kinauukulan.

Ang Executive Order (EO) No. 28, ayon sa alkalde ay ang muling pag-uulit ng alituntunin ng national government sa pilot implementation ng lahat ng Alert Levels system na layuning pigilan ang pandemya sa bansa.

Sa kanyang order, sinabi ni Moreno na: “The authority to impose granular lockdown shall be exercised by the city mayor with respect to his component barangays subject to the concurrence of the Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) and individual houses where one household member has been confirmed, residential buildings, streets, blocks, puroks, subdivisions, and/or villages within their jurisdiction.”

Ang granular lockdowns ay sa loob ng hindi lalagpas sa 14-araw at agad na ipapatupad, ayon pa sa alkalde.

Sa ilalim ng sistema, inatasan ni Moreno si Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan na mag-report sa Department of Interior and Local Government sa detalye ng granular lockdown.

Ang tulong sa mga apektadong indibidwal ay ipagkakaloob ng local government, barangay at ng Department of Social Welfare and Development alinsunod sa kanilang itinakdang alituntunin.

Samantala ang curfew hours sa lungsod ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw simula nitong Huwebes.

Ang Maynila at ang karatig siyudad sa Metro Manila ay inilagay ng national government sa ilalim ng Alert Level 4 sa ilalim ng general community quarantine simula nitong September 16, 2021. (ANDI GARCIA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More