Advertisers

Advertisers

LJ enjoyin ang pagiging single kasama ang mga anak

0 242

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAKA-all black attire  si  LJ Reyes nang dumalo sa New York Fashion Week Spring Summer  2022.

Masayang-masaya ang fans at supporters ng actress dahil nakapustura na ito. Nangangahulugan lang na unti-unti nang nakaka-move on si LJ sa paghihiwalay nila ni Paolo Contis.



Samantala, siguradong matutuwa si LJ  kung mababasa  nito na maraming nagmamahal sa kanya  at sa mga anak na sina Summer at Aki. Magugulat siya dahil karamihan ay hindi niya kilala pero nakasuporta sa kanya at nagmamahal.

Kaya lang may mga tao pa ring hanggang ngayon ay apektado sa hiwalayang Paolo at LJ. May isang nag-comment nga na at least si LJ nasa New York samantalang ang isa (si Yen  Santos) hanggang Baguio lang.

May nagpayo naman kay LJ to spread  her wings at  i-enjoy ang ang pagiging single with her  two kids.

Natuwa  rin ang mga nagmamahal kay  LJ  na  nakangiti na ito sa bagong upload na larawan na  kasama si Summer  for a product.

Sana nga ay matagpuan na ni LJ ang kasiyahan at katuparan ng kanyang mga pangarap sa ibang bansa. At higit sa lahat makatagpo ng tunay na magmamahal na sasamahan siya habambuhay.



***

Dennis Trillo naging fan sa Venice International Film Festival

SINABIHAN ni Direk Erik Matti si John Arcilla kung paano nito dadalhin pauwi ang napalunang best actor sa ginanap na 78th Venice International Film Festival para sa pelikulang On The Job: The Missing 8 dahil  mabigat daw ito.

Kaagad na sagot ni John kay Direk Matti, “OMG!  Wag  na wag  mo iiwan yaaan  diireeek! Naman pleaseee!”

Sinagot ito ni direk Erik na, “Congratulations!!!  You  deserve  it!  Tinalo niya  si  Pareng  Benedict and Oscar.”

Ang tinutukoy ni Direk Matti ay ang foreign actors na sina Benedict Cumberbatch at Oscar  Isaac.

Sa pagkapanalo ni John ng best actor sa Venice International Film Festival  ay nakahilera niya sina Brad Pitt, Ben Affleck, William Defoe at Joaquin Phoenix.

Si Dennis Trillo naman ay tinawag na Tito Bong ang award winning director na si Bong Joon-ho na nakilala niya sa 78th Venice International Film Festival.

Nagmistulang fan si Dennis nang papirmahan sa director ang hawak niyang libro na Paradise.

Makikita sa ipinost na photo ni Dennis na katabi niya si Bong Joon-ho habang hawak niya ang libro at ipinasilip din ng actor ang pirma ng director.

Nainggit naman kay Dennis ang fans ng director dahil mahirap na raw mangyari  uli  ito. Nagpa-picture rin si Dennis kay direk Chloe Zao na siyang nagdirek ng Nomadland.