Advertisers

Advertisers

Dahil kapwa Kapamilya na… Piolo at Lovi posibleng magsama sa serye; Bea mas ok na ‘di kasama sa show ang dyowang si Dominic

0 133

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

PABOR na nga kay Bea Alonzo na magdyowa na lang sila ni Dominic Roque kaysa magsama  sa project.

Posible ba na sumunod si Dominic sa gf na si Bea?

Matagal-tagal na rin na ‘di napapanood si Dominic sa Kapamilya.

At 2012 pa  nasa nasabing network si Dominic kaya tanong, posible kayang maging Kapuso na rin ito?

If ever nga raw ba ay okey lang sa bagong Kapuso star na si Bea na makasama ang bf na si Dominic sa project?

Ayon naman kay Bea parang di nito nakikita na magsasama sila sa work.

Pero ayaw naman magsalita nang tapos si Bea at baka kainin nito ang sinasabi na ayaw maka-work ang bf.

Kung si Bea nga ang tatanungin ay okey na sila sa ganung sitwasyon na magkikita lang.

Mahirap nga raw kung pareho na sila ng network at wala na nga raw kuwento na iba dahil magkasama na sila sa iisang mundo.

Basta sa ngayon ay parang hindi nga raw sila magsasama sa proyekto na magdyowa pero hindi pa rin daw sure.

Okey sa alright nga raw yung nagkikita lang sila para i-enjoy na magkasama sila as magdyowa.

Hmmmp!?

**

WALA na ngang susundan o susunod sa kabilang himpilan at pinanindigan ito ni Piolo Pascual.

Kung dati nga raw ay sumunod at sinundan nito ang tatay tatayan na si Mr. M sa TV5, nagkaroon man ng  noontime show ay di naman ito nagtagal.

At ngayon nga nasa Kapuso na si Mr. M ay buo na ang desisyon ni Piolo na mananatili na itong Kapamilya.

Dahil dyan ay may nakalatag na nga na bagong palabas si Piolo.

At pipirma na rin ito ng kontrata kahit di pa nakakuha ng prangkisa ang Dos.

Marami namang netizens ang pumuri kay Piolo sa pananatili nito sa nasabing network.

Kahit si Lovi Poe ay pipirma na rin ng kontrata sa ABS-CBN.

Dahil sa sabay na pagpirma ng kontrata nina Piolo at Lovi  ‘di kaya sila pagsamahin sa isang serye?

Puwede, bakit di subukan, experiment di ba?

Ngayong balik-Kapamilya si Piolo at bagong Kapamilya na si Lovi, baka naman.

Well, well, well…’Yun na!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More