Advertisers

Advertisers

Kaysa harapin ang ICC case…DIGONG MAGPAPAKAMATAY NALANG!

0 106

Advertisers

MAS pipiliin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mamatay sa halip na harapin ang mga huwes ng International Criminal Court of Justice.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pagpayag ng Pre-Trial Chamber ng ICC sa hiling ni Prosecutor Fatou Bensoda na imbestigahan ang Pangulo kaugnay sa kampanya nito kontra ilegal na droga na nagresulta sa malawakang pagpatay.

“Wala pong reaksyon si Presidente kasi mula’t mula pa, sinabi na niya na mamamatay muna siya bago siya haharap sa dayuhan na huwes,” ani Roque.

Wala rin umanong hurisdiksyon ang ICC na imbestigahan ang Pangulo dahil kumalas na ang Pilipinas sa Rome statute noon pang Marso 2019, bukod pa sa hindi ito na-publish kaya wala itong bisa sa ating bansa.

Samantala, tiniyak naman ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na hindi nila papayagan na makapasok ng bansa ang mga kinatawan ng ICC.

Mayroon umanong sariling judicial system ang ating bansa na hindi maaring panghimasukan ng ICC. (Jonah Mallari)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More