Advertisers

Advertisers

ICC pinaiimbestigahan na si Du30 sa patayan

0 95

Advertisers

KINUMPIRMA ng International Criminal Court (ICC) na kanilang sisimulan sa Oktubre ang pag-iimbestiga sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal na droga.

Sa inilabas na pahayag, pinayagan na ng Pre-Trial Chamber ang hiling ng ICC Prosecutor’s na ituloy na ang imbestigasyon sa programa na drug war sa bansa mula Hulyo 2016 nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte hanggang Marso 16, 2019 nang mag-withdraw ang Pilipinas sa Rome Statute.

Saklaw ng imbestigasyon ang patayan daw sa Davao City mula Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 30, 2016 kung saan nakaupong alkalde at vice mayor ang pangulo noon.

“Similarities in the modus operandi are also discernible,” ani ICC chamber.” “For this reason, the Chamber considers, at the present stage, and to the required standard, that there are similarities between the killings in the Davao area in 2011-2016 and the so-called ‘war on drugs’ campaign which merit further investigation.”

Giit pa ng ICC, isa umanong paglabag sa karapatang pantao ang nasabing “war on drugs” kahit na ilang beses na sinabi ng mga otoridad sa Pilipinas na ito ay legal na operasyon.

Itinaguyod noong taong 2002 ang ICC na siyang huling takbuhan ng mga biktima ng iba’t ibang krimen sa isang bansa kapag ayaw magsagawa ng imbestigasyon ang kanilang pamahalaan.

Batay sa talaan ng mga human rights group aabot umano sa 6,000 katao ang nasawi sa isinagawang anti-drug campaign o Oplan-Tokhang mula nang maupo ang pangulo noong 2016.

Matatandaan na una nang inakusahan ng Pangulong Duterte ang ICC ng pakikialam sa “internal affairs” ng Pilipinas kaya wala umanong hurisdiksiyon na magsagawa ng imbestigasyon. (Josephine Patrico)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More