Advertisers

Advertisers

DPWH nasilip sa P10.33B swimming pools

0 434

Advertisers

KINONDENA ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite ang paggamit ng DPWH sa P10.33 billion na contingent funds na inilipat sa kagawaran para sa pagtayo ng mga sports facilities at ilan pang pasilidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Inihayag ni Gaite sa budget deliberations sa Kamara na mayroong P10.33 billion na inilipat sa DPWH mula sa contingent fund noong 2020.

Batay sa listings ng mga proyekto, sinabi ni Gaite na ginamit ang pera na ito sa pagtayo ng mga sports facilities, swimming pools, cruise spor, convention center, at museum.



Bilang sagot, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na magpapadala siya ng lista ng mga proyekto kung saan ginamit ang contingent fund na kanilang natanggap.

Kinumpirma rin ni Villar na nakatanggap ang kagawaran ng special allotment release order mula sa DBM at ipapatupad nila ito gamit ang contingent fund na nanggaling sa Office of the President.