Advertisers

Advertisers

SC sarado sa Alert 4

0 373

Advertisers

BINIGYAN-DIIN ng Korte Suprema na sarado pa rin ang lahat ng mga korte sa National Capital Region (NCR) matapos inilagay sa General Community Quarantine (GCQ) na mayroong Alert Level 4 simula nitong Huwebes, Setyembre 16.

Sa kabila nito, nilinaw ng Kataas-taasang Hukuman na tuloy naman ang operasyon o mga pagdinig sa lahat ng mga korte sa NCR.

Ito ay sa pamamagitan ng online at videoconferencing hearings sa mga nakabinbin na mga kaso para hindi maantala ang proseso sa mga hukuman.

Para naman sa ibang pangangailangan o katanungan ay maaari anyang makipag-ugnayan sa mga korte sa pamamagitan ng kanilang hotlines at email address na makikita sa Supreme Court website.

Kaugnay nito, mananatili rin nakatigil ang mga paghahain ng kaso at mga mosyon o apela at muli na lamang bubuksan pagkatapos ng pitong araw at magsisimula ang bilang sa unang araw ng physical reopening ng korte. (Josephine Patricio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More