Advertisers
VIRAL sa social media ang video ni Barangay Libas, Isabela, Negros Occidental Chairwoman Brenda Pagapang-Fernandez matapos siyang makitang nagpagulong-gulong sa tuwa kasunod ng pagpapaliban ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Fernandez, ikinatuwa niya ang pagkakaroon ng karagdagang panahon upang maipagpatuloy at makumpleto ang mga proyekto at programa na nakaplano para sa kanilang barangay.
Kasunod ito ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Republic Act No. 12326, nagtakda ng limang taon termino para sa mga halal na barangay at SK officials at nag-iskedyul ng susunod na regular BSKE sa Nobyembre 2028.
Patuloy na pinag-uusapan online ang kakaibang paraan ng kapitana sa pagpapakita ng kanyang reaksyon sa pagpapalawig ng kanilang termino.