Advertisers
Tatlong mga kalalakihan na pawang wanted sa kasong panggagahasa ang inaresto sa magkakahiwalay na lugar.
Kinilala ni P/Col. Andree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang mga nadakip na sina Jerry Damasco, 54, top 7 most wanted provincial level at residente ng Barangay Bangag, Aparri, Cagayan; Ignacio Hidalgo, 63, ng Barangay Gomez, Cabarroguis, Quirino; at Santos Lawek, 26, ng Barangay Cabaruan, Maddela, Quirino.
Sa ulat, top 8 most wanted si Hidalgo habang top 9 sa Quirino si Lawek.
Ayon kay Abella, isinagawa Santos Lawek ng mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte dahil sa kasong rape.
Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang tatlong mga akusado at nakatakdang dalhin sa court of origin.