Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health ng 18,659 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Setyembre 25.
Samantala ay mayroon namang naitalang 9,088 na gumaling habang wala namang naitalang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.1% (175,324) ang aktibong kaso, 91.3% (2,240,599) na ang gumaling, at 1.52% (37,405) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 22, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)