Advertisers

Advertisers

‘ONG’ GALING MO SANA DOC WILLIE

0 262

Advertisers

ISANG pinagpipitagang dalubhasa sa larangan ng medisina.

Siya’y nananatiling nakatuntong sa lupa kahit na ang tayug-tayog na niya.

Tumutulong sa masang Pilipino sa kahanga-hangang paraan, payong- medikal ng libre sa himpapawid ng ‘socmed’ matutunghayan.



Dahil dito, sinuklian siya ng paghanga at pitagan ng taumbayan. Milyong Pilipino ang saludo kay Dr. Willie Ong- ang bagong pag-asang gagamot sa nasyong naghihingalo sa aspeto ng kabuhayan at kalusugan at naging biktima ng mga pulitikong gunggong ng mga naunang administrasyon.

Kaya nga mayorya ang nagsasabi, ang galing at dedikasyon pati malasakit ni Doc Willie Ong ang kailangan ng binansagang ‘sick man of Asia’ mula noong mga oligarko at mga disenteng kawatan ang mga namanginoon.



Kayang-kaya sanang bumalangkas ng batas si Dok Wagas para sa aspetong kalusugan kapag siya’y naging Senador na sa susunod na August Chamber.

Lahat ng kanyang tagahanga at taga-sunod ay mula sa mga Pilipinong nais ay tunay at bukal na lingkod-bayan lamang.



Pero bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin at mistulang isang virus ang kumulupol sa pusong dalisay ng iniidolong doktor ng bayan na walang humpay.

Tila epidemyang kumalat sa sambayanan ang isang krusyal na desisyong tanggapin ang alok sa kanyang maging isang aspirante para bise-presidente sa kampo ng tanyag sumandaling si Yorme.

Katulad niya, ang katambal niyang nag-ambisyong maging Pangulo ay hinangaan noong una ng Manileños pati na ang milyong Filipinos at dayo dahil sa kanyang mga naunang pasiklab na sa bandang huli ay ningas-cogon pala at nadiskubre ng mayoryang mamamayan ang tunay na kulay na dilaw at pula ang sa kanya’y nananalaytay.

Sa opinion ng korner na ito, isang ‘monumental blunder’ sa larangan ng chess ang huling move ng iniidolong si Doc Willy Ong. Sobrang nanamlay ang pakiramdam ng kanyang tagahanga (may iilang natuwa pero mas marami ang nanghinawa) na daig pa ang na-COVID sa kanyang desisyong unpopular para sa mas nakararami.

Ang toto’ONG lingkod-bayan naISKO’pan ang sambayanan sa malikot, marumi, magulang at pisikal na laro sa larangan ng pulitika. Puwede ka pang magbago ng reseta mo DOK, wala namang ‘TOUCH MOVE’ kaya puwedeng baguhin pa ang iyong sulong para sa layuning gamutin ang nagdedeliryong bayan… ‘ISKOPONAMAN!!!

Susunod ay ang isa pang unpopular move ng idolo rin at sumbungan ng bayan na nagpakita ng tunay na kulay kamakailan lamang at anila’y namaga ang utak , nalasing sa kasikatan sa ipinagyabang na multi-milyong followers nito sa social media na akala niya ay lehitimong botante na niya.Sabi nila..naulol na daw si idol…ABANGAN! Para sa reaksyon: 09199845253

Lowcut:
Special birthday greetings kay KEESHA AZZY DAVID- butihing anak ni M-24 Maharlika Builders of Guardians Canada/USA/Philippines na si Founder Arvin David B1024 F3 Manila Chapter. Belated HBD kay Bro Tirso Vinuya. Shoutout kina M-24 officials Bros Ariel Manas at Randy Meses, Sis Lingling Adora, Sis Alicia Santiago, Sis Geraldine Thelmo, Sis Mjane dela Cruz, Bros Jess Pavia, Raul Garcia, Wilfred Pascua, Rommel ‘Kidlat’ Rivera,Bishop Yadao, Paccarangan Bros, M-24 Pandi chapter sa pangunguna ni Sis Marilou Laderas dela Cruz, M-24 Novaliches Youth Chapter ni Bro Kim at sa bagong M-24 Maharlika YouTube channel ni editor Sis Ethyl Opay. Hats off kay founder/organizer Doc Chito Collantes (Toronto) M24B1024.MABUHAY!