Advertisers

Advertisers

MAHIGIT 12,000 POLICE AT FORCE MULTIPLIERS, NAKAHANDA NA SA HOLY WEEK AT SUMMER VACATION

0 43

Advertisers

MAHIGIT 12,000 pulis at force multipliers ang ipinadala sa buong Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.



Ayon kay PMajor Hazel Asilo, tagapagsalita ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang mga security unit ay nakatalaga sa mga lugar na madalas puntahan tulad ng mga transport hub, pangunahing kalsada, at mga commercial areas.

Sinabi ni Asilo sa isang pahayag na ang pagpapadala ay bilang paghahanda rin sa mga inaasahang rally kaugnay ng pagtaas ng presyo ng langis.



Magtatayo rin ng mga police assistance desk sa 135 transport hub at 329 na simbahan sa Metro Manila kung saan ilan lamang sa mga lugar na babantayan ng mga itatalagang 1,153 pulis.

Milyun-milyong Pilipino ang inaasahang uuwi sa kanilang mga bayan ngayong summer break, na maaaring magresulta sa pagtaas ng bilang ng mga aksidente sa kalsada. (JOJO SADIWA)