Advertisers

Advertisers

Sira na ang dignidad ng Senado

0 4

Advertisers

ISANG linggo palang si Senador Alan Peter Cayetano bilang lider ng Senado, matapos ikudeta nilang DDS senators si  Senador Tito Sotto, ay umuugong na namang patatalsikin ang una matapos ang kaguluhan sa Senado nung Lunes, Mayo 11.
Si Migz Zubiri raw ang malamang na ipalit kay Cayetano.
‘Pag nangyari ito, malalagay sa kasaysayan ng Senado si Cayetano bilang shortest serve Senate President, habang ito naman ang ikalawang pagiging lider ng mataas na kapulungan ni Zubiri.
Sa totoo lang, nawala ang dignidad ng Senado sa ilang araw palang na pamumuno ni Cayetano. Dapat lang talaga siyang palitan agad! Now na!
***
Malamang na magkakaproblema itong sina Cayetano at Senador Robin Padilla sa pagpatakas nila sa pugante nilang kasamahan na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.
Si Padilla raw ang nagtakas kay Bato, at si Cayetano ang may plano ng lahat.
Si Bato ay isinailalim sa kostudya ng Senado nang silbihan ito ng ICC arrest warrant noong Lunes, matapos sumulpot sa Senado pagkaraan ng halos walong buwan na pagtatago dahil sa naturang warrant.
Pinag-aaralan na ngayon ng Ombudsman at Department of Justice ang maaaring ikaso sa kanila. Subaybayan!
***
Chavit Singson ‘sabit’ sa pagpuga ni Bato?
Iniimbestigahan raw ng mga awtoridad ang ulat kung may nalalaman si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson sa pagtakas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Senado kasama si Sen. Robin Padilla last Thursday morning, Mayo 14, matapos ang kaguluhan buong araw ng Lunes, Mayo 11.
Batay sa mga ulat, matapos sumibat na magkasama sina Dela Rosa at Padilla sa Senado madaling araw ng Huwebes, ay dumiretso ang dalawa sa Manila Yacht Club at sumakay ang wanted na senador sa yate na pagmamay-ari ni Singson patungong Batangas.
Mula sa Batangas ay sumakay daw ng private chopper si Dela Rosa patungong Mindanao.
Habang  si Padilla ay namataan sa NAIA pasado 4:00 ng umaga ng Huwebes.
Kaugnay nito, kinompirma ni Pasay City Police Chief, Colonel Joselito De Sesto, na siya ang nakasakay sa marked vehicle ng PNP Police Protection and Security Group na may plakang SNB 1767 na kasunod ng black van na lumabas ng Senado ng madaling araw ng Huwebes, ngunit hindi sila magkasama.
Sinabi niya sa ABS-CBN na kumanan siya patungong World Trade Center  habang ang black van ay kumaliwa.
Nagpahayag naman si Padilla na hindi na muna siya magpapakita sa Senado dahil mainit daw siya sa mata ng publiko.
Sinabi ng NBI na si Padilla ay ‘person of interest’ sa kinaroonan ni Bato. Araguy!!!
Kailangan daw ni Padilla iharap si Bato ‘pag kinailangan ang huli ng korte. Patay kang Bino ka!