Advertisers

Advertisers

PASYAL SA RIZAL 2026 TOURISM, SUGALAN AND TRADE FAIR!

0 199

Advertisers

MASIGLA at buhay na buhay ang proyektong “Pasyal sa Rizal 2026 Tourism and Trade Fair” na magkatulong na inilunsad nina Rizal Governor Nina Ricci A. Ynares, Department of Trade and Industry (DTI), sinuportahan nina Rep. Mia Ynares at Rep. Dino Tanjuatco at iba pang mga opisyales ng lalawigan.

Rep. Mia Ynares at Rizal Governor Nina Ricci A. Ynares

Si Gov. Ynares ang Chairperson ng CALABARZON Regional Development Council (RDC) simula pa noong 2025 at ang termino nito ay hanggang 2028.

Sa hangarin na mapaunlad ang kabuhayan ng kanilang mga mamamayan ay itinampok sa proyektong “PASYAL SA RIZAL 2026 TOURISM AND TRADE FAIR” ang magagandang tourist destination sa 14 na bayan sa Rizal at sa Antipolo City. Tampok din ang mayamang kultura, lokal na mga produkto at pagkain na sariling gawa ng malikhaing mga Rizaleños.

Katuwang na tagapagtaguyod ng proyektong ipinakita sa House of Representative South Wing Lobby noong May 11-13 at sa North Wing Lobby noong May 18-20, 2026 ang BDTP, SARAP Inc. at REMAI (Rizal Exporters and Manufacturers Association, Inc).

Kaya lamang, malaking kasiraan sa naturang proyekto ang matagal ng inirereklamong mga pasugalan na front ng bentahan ng shabu sa siyudad ni Antipolo Mayor Casimiro “Jun-Jun” Ynares III na sakop ng distrito ni Congresswoman Mia Ynares .

“Eye sore” ang mga puesto pijo o mga permanenteng gambling den na pinatatakbo ng isang Mang Bert sa P. Oliveros Street, Antipolo City, malapit sa Antipolo Cathedral, ganun din ang inooperate ng isang Dodie Bakla sa C6 Floodway na distrito naman ni Rep. Tanjuatco.

Pangit sa paningin ng mga dayuhang turista at maging ng mga lokal na bakasyonista ang mga pasugalang 24/7 na nakalatag doon at dinudumog ng mga sugarol na gumon sa mga ilegal na pasugal na color games, sakla, drop balls at iba pang mga labag sa batas na table games.

Ang pinaka grabe nito ay hindi lamang sa sugal lulong ang maraming dumadayo roon na taga Rizal at kanugnog na mga probinsya, kundi higit sa lahat ay sa shabu na nilalako doon ng mga alipores nina Mang Bert at Dodie Bakla na kapwa mga kilalang HVT (High Value Target) sa War on Drugs.

Anumang pagsisikap nina Rizal Gov. Yñares, Congresswoman Yñares at Rep. Tanjuatco ay hindi kayang pagtakpan ang grabe at masamang epekto ng sugalang may shabuhan nina Mang Bert sa Antipolo City at Doddie Bakla sa bayan ng Taytay, na di naman alintana ng mga police chief ng naturang siyudad at bayan. Bakit pinababayaan ito ni PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan?

Sa drama sa senado na pagtakas ng may sa palos na Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ay kabilang na siya nina Gerald Bantag, Zaldy Co, Charlie “Atong” at Rafael Dumlao na itinuturing na pugante at pinaghahanap ng batas – kung hahanapin?

Kulang pa ang suspension ni House of Senate Office Sergeant-at-Arms (OSAA) retired Maj. Gen. Mao Aplasca. Mas makabubuti na tanggalin na ito sa pwesto at pagbawalan na humawak ng anumang tungkulin sa pamahalaan.

Katulad ni Aplasca, dapat bigyan din ng kaukulang parusa sina Sen. Alan Peter Cayetano at ng mga kakosa nitong mga senatong este senador na nagpatibay ng labag sa batas at unconstitutional na “protective custody”?

Malinaw na parte lng ng senakulo ang pagpapaputok ng baril sa senado upang patakasin ang ala “track in field star” na si Bato, alam na alam na. Pabayaan nang magngangawa si Cayetano, may nakikinig at naniniwala pa kaya sa kanya gayong basang-basa na ang papel nito. Kahit itanong pa natin sa kanyang mga kapitbahay? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144