Advertisers

Advertisers

BALASAHIN ANG GOBYERNO

0 8

Advertisers

MALIBAN sa pagpapatalsik kay Cawatano bilang Senate President, kailangan gampanan ang ilang hakbang upang bumalik ang tiwala ng sambayanan hindi lang sa Senado bilang isang institusyon kundi sa buong gobyerno. Una, opisyal patalsikin si Bato sa Senado upang hindi na makakubra ng kanyang suweldo at pensyon at lahat ng biyaya ng isang senador.

Kasuhan ng obstruction of justice sa hukuman ang mga senador na kasamang nagsabwatan sa pagtakas ni Bato. Nangunguna ang magkapatid na Cawatano, Camoteng Robin, at kahit si Bong Go, at iba pa. Isama na rin ang sergeant at arms na kaklase ni Bato sa PMA. Siya ang nagpatupad ng plano sa pagtakas kasama ang pekeng barilan sa Senado.

Ang pinakamahalaga ay balasahin ni BBM ang mga taong umuugit sa kanyang gobyerno. Sipain si Jonvic Remulla bilang kalihim ng DILG. Sagad sa buto ang kanyang kahinaan bilang kalihim. Dapat siyang palitan ng mas magaling tulad ni Sonny Trillanes. Palitan na rin si PNP chief dahil wala itong silbi. Kung maaari, ibalik si Hen. Nicolas Torre III.

Isinulat ko ito kolum ko noong hindi pa tumakas si Bato. Kahit palitan na si Cawatano, may silbi pa rin ang naunang isulat ko. Kaya ibabahagi ko pa rin sa mga mambabasa.

MAG-INGAT KAY CAWATANO

HUWAG magtaka kung biglang magkaroon ng sunog sa Senado. Nakikita namin na gagawin ni Alan Peter Cawatano ang lahat upang antalahin at, sa dakong huli, huwag matuloy ang paglilitis ni Misfit Sara sa Senado bilang hukuman sa impeachment.

Gagawa ng kaguluhan ang pangkat ni Cawatano upang lituhin ang bayan at hindi matuloy ang impeachment trial ni Misfit Sara. Mahirap matuloy ang paglilitis dahil mahirap maabsuwelto si Misfit sa bigat ng mga paratang sa kanya sa ilalim ng Articles of Impeachment at lalim ng mga kalakip na ebidensya.

Noong isang linggo, ipinasa ng Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) ang Articles of Impeachment sa botong 257 na pabor, 25 na hindi pabor, at 9 na abstained kontra Misfit Sara. Batay sa Saligang Batas, kailangan pulungin agad-agad ang Senado bilang hukuman upang litisin si Misfit Sara.

Hindi kami nananampalataya sa pagtiyak ni Cawatano na itutuloy nila ang paglilitis. Kasama si Cawatano sa paksyon ng mga senador na may maitim na balak upang biguin ang hangarin na magkaroon ng paglilitis sa usapin ni Misfit Sara.

Pekeng Kristiyano si Cawatano. Hindi siya mangingimi na basahin ang mga talata sa Bibliya upang ipagkanulo ang sarili sa demonyo. Tama ang aktres na si Agot Isidro na nagsabing may 13 “Satanas” sa Senado. Sila ang mga senador na kabilang sa paksyon ni Cawatano.

Maraming maaaring mangyari upang mabigo ang pakay na magkaroon ng patas, malaya, at malinis na paglilitis sa Senado. Maraming balakid na maaaring itapon ng kampo ni Misfit Sara sa husgado kasama ang Korte Suprema upang hindi matuloy ang paglilitis. Kasama sa laro iyan at inaasahan namin iyan.

May ninakaw na bilyones ang kampo ni Misfit Sara at ibang klase kung mangusap ang mga nakaw na bilyones. Mabibili nila ang mga tiwaling senador upang biguin ang hangarin ng bayan na magkaroon ng masinop na hatol sa kapalpakan ni Misfit.

Ibang usapan kung mabalam ang paglilitis. Maaaring mawala o nakawin ang mga kalakip na ebidensya na isinumite ng Camara sa Senado. Kahit ang Camara ay nagpaparamdam na hindi ito ganap na nagtitiwala sa Senado. Siniguro na may sarili itong kopya sa mga ebidensya na isinumite sa Senado.

Mag-iiba ang takbo ng paglilitis kung mangawala ang mga ebidensya. Mahihirapan patunayan ng mga taga-usig ang kanilang paratang kay Misfit Sara kung biglang nakawin ng paksyon ni Cawatano ang mga katibayan.

Hindi kami magtataka kung biglang matupok ang mga isinumiteng ebidensya. Batid namin na desperado ang kampo ni Cawatano na mapawalang sala si Misfit. Hindi sila makakolekta sa bilyones ni Misfit kung madidiin siya.

Kaya kailangan ang ibayong pag-iingat upang masiguro ang patas, malaya, at malinis na paglilitis kay Misfit Sara. Huwag na huwag magtitiwala sa paksyon ni Cawatano. Puro mga kriminal sila at gagawin ang lahat upang ilusot si Misfit. Bantayan mabuti ang proseso ng paglilitis sa Senado. Mga kriminal ang bumubuo sa paksyon ni Cawatano.

***

SAKSAKAN ng sinungaling si Cawatano. Batay sa salita ng mga ekspertong manananggol ng bansa, walang batayan ang “protective custody” na ibinigay niya kay Bato dela Rosa, ang mamamatay tao na nagpatupad ng malagim ngunit pumalpak na giyera kontra droga ni Gongdi.

Mismong si Frank Drilon na dating senador at Senate President sa mahabang panahon ang nagpatunay na walang kapangyarihan ang Senate President na magbigay ng protective custody kaninuman lalo na sa isang inaakusahan na tulad ni Bato.

Ito rin ang basa ni Domingo Egon Cayosa, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), ang pangunahing organisasyon ng ga abogado sa bansa. Inimbento lang ni Cawatano ang protective custody. Tanging ang mga hukuman ang may poder na ibigay iyan.

Hindi pa tapos iyan. Ipinahayag ni Melvin Matibag, director ng National Bureau of Investigation (NBI), na walang kapangyarihan si Cawatano na proteksyunan si Bato. Mababasa na maaaring siluhin ng NBI si Bato. Huwag pasisiguro si Bato at Cawatano dahil maaaring ito ang batayan sa pagdakip sa kanya.