MANILA DRRMO, NAKA-RED ALERT DAHIL SA INC RALLY SA LIWASAN
Advertisers
Inilagay ni Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) chief Arnel Angeles ang status ng nasabing tanggapan sa “red alert.”
Ito ay kaugnay ng pagbawi ng Quezon City government sa permit na nauna na nitong ibinigay sa Iglesia ni Cristo (INC) rallyists, dahilan upang ang mga ito ay lumipat ng aktibidad sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.
Ang Liwasang Bonifacio ay isang itinalagang freedom park sa lungsod kung saan maaring ganapin ang mga public assemblies, protesta at nga rally nang di na kailangan pang kumuha ng permiso mula sa local government unit.
Ayon kay Angeles, sa ilalim ng red alert status ng MDRRMO ay nangangahulugang lahat ng units nito ay magiging ‘on full standby’.
Kasama na umano dito ang Emergency Medical Services personnel,operations team at equipments na maaaring kailanganin. Maglalagay din umano ng mga portalets sa pagdarausan ng protesta upang magamit ng mga lalahok, dagdag pa ni Angeles. (JERRY S. TAN)