Advertisers
IGINIGIIT ngayon ng kampo at supporters ni Senador Rodante Marcoleta na dapat ding kasuhan ng plunder si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. dahil sa pagtanggap ng campaign funds noong 2022 presidential election.
Si Marcoleta kasi ay posibleng maharap sa plunder dahil sa pagtanggap ng campaign funds, P75 million mula sa tatlo niyang “kaibigan” kabilang si ex-Congressman Mike Defensor ng “maleta boys”.
Kung mababaw ang pang-unawa mo, sasabihin mong tama ang kampo ni Marcoleta.
Actually hindi lang naman sina Marcoleta at PBBM ang tumanggap ng campaign funds sa eleksyon eh. Si Sara Duterte, daan daang milyong peso rin ang natanggap n’yang campaign funds for sure!
Pero ang naging problema ni Marcoleta, kungsaan siya mismo ang nagsabi, nang ibigay sa kanya ang naturang campaign funds para sa pagtakbong senador ay kongresista pa siya. Ito ay bawal sa ating Saligangbatas, ang tumanggap ng “gift” mula sa kung sinong kaibigan habang nasa gobierno. Dahil nagiging daan ito ng korapsyon. Maliwanag yan, mga pare’t mare. Igo-google n’yo kung gusto n’yo makatiyak sa sinasabi ko. Maari rin kayo magtanong sa ‘di bias na abogado.
Ang isa pang mali ni Marcoleta ay hindi niya dineklara sa kanyang SALN at SOCE ang tinanggap niyang P75m campaign funds. Bawal na bawal ito. Itanong n’yo sa election lawyers o igo-google n’yo ang election law.
Sa panig naman ni PBBM: Nang bumaha sa kanya ang campaign funds noong 2022 presidential derby ay hindi siya nagtatrabaho o opisyal ng gobierno, at inilagay niya sa kanyang SALN at SOCE ang mga tinanggap niyang campaign funds. Wala siyang kaso. Gets n’yo, mga pare’t mare?
Ang mga ebidensiya laban kay Marcoleta ay siya mismo ang naglantad, nagyabang sa publiko. Swak siya ngayon sa plunder.
Iginigiit ni Marcoleta na wala siyang mali, malinis ang kanyang konsensiya. Good! Patunayan niya ito sa korte, malilinis ang pangalan niya, mapapahiya si Ombudsman Boying Remulla. Period!
***
Umeeksena uli si Senador Ping Lacson laban kay Marcoleta.
Say ni Ping: Pinatunayan ng mga imbestigador ang pagtanggap sa higit P75 million, at nakita ang P500m allocables na may kaugnayan kay Marcoleta noong kongresista pa ito.
Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador kung saan dinala o anong proyekyo ni Marcoleta sa nabanggit na P500m.
Lumalalim ang kaso ni Marcoleta.
‘Wag sana bumahag ang buntot ni Ombudsman Boying Remulla sa pagsampa ng non-bailable crime laban kay Marcolrta sa kabila ng mga pagrali ng mga kapatid sa pananampalataya ng senador.
Subaybayan!