Advertisers

Advertisers

Pagsuporta sa korap, gulo sa hinaharap

0 5

Advertisers

KUNG napapansin ninyo, mga pare’t mare, ang mga politiko na inendorso nung eleksyon ng isang malaking grupo ng relihiyon, ay silang sakit ng ulo ngayon ng bansa.

Sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Rodante Marcoleta, Sara Duterte at maging si Bongbong Marcos ay sila-sila ang mga nagwawakwakan ngayon sa isyu ng pandarambong sa pondo ng bayan.

Sina ex-Senator Revilla at Sen. Estrada ay nakakulong na. Actually hindi lang sila isa o dalawang beses nakulong sa plunder, pangatlo na ito ngayon! Ibinoto n’yo parin eh!

Si Senador Villanueva ay nakasuhan narin ito noong kongresista palang. Nahatulan siya noon ng Ombudsman ng perpetual disqualification pero nilinis ng sumunod na Ombudsman na isang DDS, at nakatakbong senador!

Si Marcoleta, isang abogado pero nagmamaang-maangan sa batas o talagang mahina lang siyang klase ng abogado? Eh sa bibig nya mismo lumabas na tumanggap siya ng donasyon sa eleksyon at ‘di nya dineklara sa kanyang SALN at SOCE. Ito’y paglabag sa election law, pasok sa kasong plunder ang P75 milyon n’yang “gift” para campaign fund.

Ang tandem nina Duterte at Marcos noong 2022 mas pinili ng nakararami dahil ito na raw ang team na magpapaunlad sa Pilipinas at magpapahanda sa kanilang buhay. Anyare? Sila ang sanhi ng mga gulo ngayon. Sila-sila ang nagbabakbakan.

Si Sara, anak ni Digongnyo na ibinoto n’yong pangulo noong 2016, puros paglustay sa pondo ng bayan ang ginawa. Itinago sa intelligence fund ang walang pakundangang pagwaldas sa taxpayers money, dahilan para nahaharap siya ngayon sa impeachment.

Sana mangibabaw ang konsensya ng mga Senator-Judge hindi ang politika sa impeachment na ito.

Si Sara, sabi nga ng beteranong mamamahayag na si Mon Tulfo, ay isang baliw at ‘di karapat-dapat maging lider ng bansa. Mismo!

Si Bongbong Marcos naman, na siyang nagpaimbestiga sa katiwalian sa flood control projects, ay kulang sa political will. Sumobra kasi ang bait. Gising!

Kung si Leni Robredo siguro ang ibinoto ng marami noong 2022, malamang nasa maayos ang takbo ng ekonomiya ngayon. Peks man!

Another lesson sa mga botanteng Pinoy ang mga nangyayaring nakawan ngayon sa gobierno. I’m praying maging wise na talaga tayo sa paghalal ng mga mamumno sa ating bansa sa 2028.

Gising, Pilipinas!

***

Sabi ni Mon Tulfo sa kanyang post sa FB, kaya raw ginawang state witness si ex-DPWH Secretary Manuel Bonoan sa kaso ng flood control scandal ay dahil malapit na raw ito matigok dahil sa kanyang sakit na cancer.

Say ni Mon, ang taong malapit nang mamatay ay malamang na magsasabi ng totoo, ikakanta ang mga opisyal ng gobierno na kumamal ng limpak-limpak sa mga depektibong govt. projects.

Sino-sino kaya ang papangalanan ni Bonoan sa flood control anomaly?

Abangan!