Advertisers

Advertisers

Notoryus drug-pusher, sugatan sa engkuentro

0 7

Advertisers

Sugatan ang naarestong lalaki na umanoy notoryus sa pagbebenta ng illegal na droga, na kabilang sa high value individual makaraang makipag engkwentro sa mga pulis sa Brgy, Guyong Sta. Maria Bulacan ala-1:01 ng madaling araw ng Hulyo 1 2026.
Sa report ni PLt.Col.Mark Louie M.Sigua kay Acting PNP Provincial Director PCol.Jay Baybayan kinilala ang suspek na si alyas Don C, 46-anyos, ng Tubong Atimonan Quezon, residente ng Laloma Quezon City.
Base sa paunang imbestigasyon una nang isinagawa ang buy bust operation na nauwi sa engkwentro kung saan nagtamo ito ng minor injuries, habang wala namang nasugatan sa mga pulis at PDEA.
Nakumpiska mula sa suspek ang 75. gramo ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa P510,000.00.
Narekober din mula sa suspek ang isang Glock 9MM pistol, (8 ) bala ng kalibre 9mm, isang hand grenade, isang itim na Honda City, at ginamit na buy-bust money.
Samantalang kasalukuyang naka-hospital arrest ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.(Thony D. Arcenal)