Advertisers

Advertisers

Ilang respondents sa ‘Ateneo hazing’ kakalusin; ibang student-athletes biktima rin – DILG

0 2

Advertisers

MAAARING alisin ng Department of Justice (DOJ) ang mga student manager, ball boy at iba pang may maliit na partisipasyon sa listahan ng mga respondent sa kasong hazing kaugnay ng pagkamatay ng dalawang student-athletes sa team-building activity sa Aurora noong Hunyo 8, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Nauna nang inirekomenda ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagsasampa ng kasong hazing laban sa mga miyembro ng Ateneo de Manila University men’s basketball coaching staff, kabilang ang dating head coach na si Tab Baldwin.
“Bagamat ito ang aming naging rekomendasyon, maaari paring maalis sa listahan ng kakasuhan ang ilang kasama sa aktibidad, lalo kung mapapakita na hindi nila alam ang masamang la-yon nito,” ani Remulla.
“Ang pinakamahalaga sa amin ay mapanagot ang si-yang mga nagplano at sinad-yang pahirapan ang mga student athlete,” dagdag niya.
Ayon kay Remulla, maaa-ring alisin ng DOJ ang ilang indibidwal sa listahan ng mga respondent matapos ang sa-riling pagsusuri at ituring silang mga testigo.
Ipinaliwanag din niyang sa ilalim ng Anti-Hazing Act, ang presensya ng isang tao sa hazing ay itinuturing na “prima facie” na ebidensya ng kanyang partisipasyon bilang principal.
Sinabi rin niyang may tungkulin ang mga administrador ng paaralan na kumilos “in loco parentis” at dapat matukoy ng mga imbestigador kung nabigo ang mga opisyal ng unibersidad na pigilan ang aktibidad na ikinasawi ng da-lawang student-athlete at nagdulot ng trauma sa iba pang kalahok.
Nilinaw din ni Remulla na walang ibang student-athlete na lumahok sa training ang inirekomendang maging respondent.
Dagdag pa niya, bukod sa legal na pananagutan, nag-iwan din ng matinding emosyonal at sikolohikal na epek-to ang insidente sa mga nakaligtas na student-athlete.
Noong nakaraang linggo, inirekomenda ng PNP-CIDG ang pagsasampa ng kaso sa ilalim ng Republic Act 11053 o Anti-Hazing Act laban sa mga nagplano at lumahok sa hazing, kabilang sina Baldwin, strength and conditioning coaches Grant Dearns at Caesar Vincent Elumba, assistant coaches Dean Caesar Castaño, Sandro Nicholas Soriano at Reynaldo Jacinto Jr., student managers Paolo Manuel Adevoso, at Andrew Lorenzo Salud, physical therapist John Eric Rueca, at utility/ball boys Aris Pronce at Joel Rapa.
Nasawi sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa team camp sa Dipaculao, Aurora, Hunyo 8. (Boy Celario)