Advertisers

Advertisers

‘14-anyos killer sa Tacloban shooting ‘di maaring kasuhan’

0 3

Advertisers

HINDI maaaring sampa-han ng kasong kriminal ang 14-anyos na salarin sa pa-mamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City dahil ‘exempted’ sa criminal liability ang mga batang 15 taon gulang pababa, ayon sa DSWD.
Ayon kay Atty. Jonalyndie Chua, paglabag sa Konstitu-syon ang pagsasampa ng kaso kapag nag-15 anyos na ang salarin dahil bawal ang ‘ex post facto law’. Sa halip, ila-lagay siya sa rehabilitation at intervention program.
Samantala, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na natukoy ng mga social worker na ang 15-anyos na gunman ay may discernment, o alam ang kanyang ginagawa. Dadaan pa ito sa korte para mapagtibay ang assessment.
Hinihintay rin ng DSWD ang resulta ng psychological evaluation ng dalawang menor de edad upang matukoy ang angkop na intervention.
Nahaharap ang 15-anyos sa 3 kasong murder, 3 frustrated murder, at maraming kaso ng serious physical injuries kaugnay ng insidente noong Hunyo 22, kungsaan tatlong estudyante ang namatay at 20 ang nasugatan.
Sinabi rin ni Gatchalian na bukas ang DSWD sa talaka-yan tungkol sa pagbaba ng minimum age of criminal responsibility, ngunit dapat munang pag-aralan kung kailangan bang amyendahan ang batas o pagbutihin lamang ang pagpapatupad nito.