Advertisers

Advertisers

Ombudsman Boying vs INC-Marcoleta rally

0 15,323

Advertisers

NAGSAGAWA ng surprise rally ang mga miembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa People’s Monument sa EDSA nitong Martes para tutulan ang pagsasampa ng kasong plunder sa isa nilang miembro, si Senador Rodante Marcoleta.

Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Edwin Zabala, ang ikinaso kay Marcoleta ay plunder, isang non-bailable crime na mapapalaya lamang kapag natapos ang paglilitis at maabsuelto.

Giit ni Zabala: “Sinusuportahan ng Iglesia Ni Cristo ang itinataguyod ni Senator Marcoleta dahil ito rin ang posisyon namin.”

“Kahit ipakulong nila si Sen. Marcoleta ay hindi kami titigil sa paghingi ng katarungan para sa mga kababayan nating ninakawan,” dagdag ni Zabala

Si Marcoleta ay nakatakdang sampahan ng plunder case ng Office of the Ombudsman kaugnay ng P75 million campaign fund na nangyari noong kongresista pa siya at noo’y nakatakdang kumandidatong senador. Ang halagang ito ay hindi niya dineklara sa kanyang SALN at SOCE. Ito ay bawal sa batas, mga pare’t mare.

Inamin mismo ni Marcoleta na nabigyan siya ng P75 million campaign fund ni dating Congressman Mike Defensor.

Kasama sa makakasuhan si Defensor, ang taong nasa likod ng 18 “maleta boys” na nag-deliver kuno ng male-maletang kuwarta sa mga indibidwal na gusto nilang sirain.

Ayon sa ating Saligangbatas, ang pagtanggap ng anumang regalo habang ikaw ay nasa puwesto sa gobierno o kandidato sa isang posisyon sa politika ay mahigpit na ipinagbabawal. Yan ang batas.

Si Marcoleta ay isang abogado. Tiyak alam niyang maling mali ang ginawa niya. Wala siyang lusot dito kapag hindi umatras ang itlog ni Ombudsman Boying Remulla sa pagsampa ng kaso.

Nagtatapang-tapangan nalang si Marcoleta dahil nasa likod niya ang pamunuan ng INC, na nagsagawa nga rally sa EDSA.

Kapag hindi nasampahan ng plunder case si Marcoleta, lalo lamang lalaki ang ulo ng bokal na ito.

No one is above the law. Sabi nga ni late Manila Mayor Alfredo Lim: “Ang batas ay dapat iaplay sa lahat, kung hindi ‘wag nalang”. (The law applies to all, otherwise non at all).

Kung tunay na walang kasalan si Marcoleta, kung politika nga o tahi-tahi lamang ang mga ebidensya laban sa kanya, harapin niya para malinis ang pangalan niya.

Pero ang ikinasang kaso laban sa kanya ay dumaan sa masusing imbestigasyon ng NBI at DoJ, ng mga batikan at beteranong abogado ng ahensiya. Solido ang mga ebidensiya laban sa kanya. Mismo siya, inamin niya ang pagtanggap ng campaign fund at ‘di pagdeklara sa kanyang SALN at SOCE. Malinaw na nilabag niya ang batas sa eleksyon at pagiging opisyal ng pamahalaan.

Oo! Dapat managot sa batas si Marcoleta.

At dito natin masusukat ang tibay ni Ombudsman Remulla. ‘Pag isinampa niya ngayong linggo ang plunder case laban kay Marcoleta. Sasaludo tayo, bayan. Pero kung aatras siya dahil sa rally ng INC, pagtatawanan siya ni Marcoleta at lalong lalaki ang ulo ni bokal. Mismo!

Abangan!