Advertisers

Advertisers

3 ‘killers’ ng ex- vice mayor at anak timbog

0 2

Advertisers

NAKORNER ng mga ele-mento ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang tatlong kasosyo sa negosyo na pangunahin suspek sa pagkidnap at pagpatay sa dating Abuyog, Leyte vice mayor na si James Bohol at anak na si Carlo James sa Pasay City.
Nakilala ang mga salarin na sina Kim Taboy Solayao, 27 anyos; Reniel Galza, 24; at Mark James Taboy, 30, negosyante, pawang taga-Amandayehan, Basey Samar.
Samantala ang labi ng mag-ama ay natagpuan sa bangin sa Brgy. Imelda, Silago, Southern Leyte matapos ituro ng mga salarin kungsaan nila itinapon matapos pata-yin.
Ayon kay Brigadier General Edwin Balles, director ng PNP-AKG, 1:00 ng hapon nang kuhanin ang biktima ng tatlong lalaki sa mismon warehouse at dinala sa Silago, Southern Leyte sakay sa kulay silver na Mistsubishi Mirage.
Noong June 27, 2026. Tumakas ang mga salarin sakay sa kulay gray na Toyota Hilux na sumakay sa RORO patu-ngo sa Matnog port sa Sorsogon.
“Inaamin nila they were the 3 sila ‘yung gumawa nung krimen at may mapapansin sa kanilang aura na somehow medyo may regret, may pagsisisi at sinabi pa nila na ito mula sa kanilang bibig ay pinagplanuhan nila,” pahayag ni Belles.
Sinabi ni Belles na pinukpok nila ng matigas na object believed to be a dumbbell, pinukpok hanggang nawalan ng malay at nung itatapon na nila pinagsasaksak pa nila.”
Isinaad ni Belles na posibleng pagkakautang sa negosyo ang motibo sa pagpatay sa biktima at nadamay lang ang anak nito.
Nabatid na magkasosyso sa negosyo ng mantika o cooking oil ang biktima at mga salarin. (Mark Obleada)