Advertisers
MAAARI pa ring maharap sa kaso ang mga organizer ng rally ng Iglesia ni Cristo (INC) matapos ang mga nangyaring insidente sa kasagsagan ng kanilang protesta noong Lunes.
Ayon kay PNP PIO Chief Police Col. Allen Rae Co, iniimbestigahan ng awtoridad ang nasabing insidente kasama na rito ang pangangalap ng mga karampatang ebidensya.
Ngunit sa ngayon, inuuna lang munang ayusin ng pulisya ang daloy ng trapiko at tiyakin ang seguridad sa lugar habang isinasagawa ang maximum tolerance ng kanilang mga tauhan.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Co na pinakawalan na ang apat na inaresto sa nangyaring komosyon kahapon.
Kung saan ang bus driver na nag-atras abante sa isang pulis ay nagkaaregluhan na habang ang tatlong iba pa ay biniberipika pa ang pagkakakinlan .
Isinagawa ng INC ang mga rally sa People Power Monument sa Quezon City at Liwasang Bonifacio sa Maynila bilang suporta umano kay Senador Rodante Marcoleta, na napipintong sampahan ng kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi idineklarang campaign donation noong 2025.
Ayon sa PNP, dati na rin itong nagsampa ng mga kaso dahil sa paglabag sa naturang batas, kabilang ang rekomendasyong kasuhan ang siyam na indibidwal kaugnay ng Labor Day rally noong Mayo sa Kalaw Avenue.