Advertisers

Advertisers

Hontiveros iniuugnay ang Tacloban school shooting sa online extremist group na ‘764’

0 4

Advertisers

POSIBLENG may kaugnayan ang madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City sa “764,” isang online extremist group na umano’y nanghihikayat sa mga kabataan na masangkot sa karahasan at pornograpiya.

Ito ang inihayag ni Senador Risa Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality nang isagawa ang pagdinig kung saan may indikasyon na ang insidente noong Hunyo 22 ay maaaring naimpluwensiyahan ng “764,” isang organisasyong pinaniniwalaang bahagi ng isang nihilistic violent extremism (NVE) network.

Ayon kay Hontiveros, itinuturing ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang 764 bilang isang “national security threat” habang tinawag naman ito ng pamahalaan ng Canada bilang isang teroristang grupo.



“Sabi mismo ng FBI, the leaders of the group are pushing victims to create graphic pornography, to harm family pets, to cut themselves with sharp objects, or to even die by suicide,” wika ni Hontiveros.

“Paano? Kinakaibigan muna. Binibigyan ng sense of belonging. Pinaparamdam na may lugar sila. At saka unti-unting hinihikayat sa mas madilim at mas mapanganib na gawain,” saad ng senadora.
May mga indikasyon din aniya na ang NVE networks ay nanghihikayat ng mga bagong miyembro sa pamamagitan ng online games tulad ng Roblox, Minecraft, at GoreBox.
“Sa loob ng grupo, may mga materyales tungkol sa sextortion o iyong pananakot gamit ang mga sexual images, meron ding tungkol sa paggawa ng armas o eksplosibo, at iba pang mapanganib na gawain,” sabi ni Castro.



“Ang mahirap nito, kung hindi nararamdaman ng bata sa totoong buhay ang respeto at pagtanggap o belonging, ang mga puwang na iyan ay pinupunuan ng mga masasamang online community nang may mabigat na kapalit: sa pagsunod, sa pananakit, at minsan, sa karahasan,” hirit ni Hontiveros.

Matatandaang noong Hunyo 22, dalawang menor de edad na may edad na 14 at 15 ang nagpaputok ng baril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban, na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng ilang iba pa. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">