Advertisers

Advertisers

3,000 SENIOR LAS PIÑEROS , TUMANGGAP NG TIG-10 KILONG BIGAS

0 5

Advertisers

MATAGUMPAY na naipamahagi ang tig-10 kilong bigas na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas para sa mga senior citizen beneficiaries mula District 2, sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Pinangunahan ni Mayor April Aguilar ang pamamahagi upang matiyak na maayos itong matanggap ng 3,000 nakatatandang Las Piñero na kabilang sa mga prayoridad na direktang naipaaabot ang tulong sa mga komunidad.

Personal na bumati sina Congressman Mark Anthony Santos, Councilors Alelee Aguilar at Macky Saito sa mga benepisyaryo bilang pagpapakita ng malasakit sa sektor ng senior citizens.



Nagpasalamat si Mayor April sa suporta ng pambansang pamahalaan na patuloy na naghahatid ng serbisyo para sa mga Las Piñero. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">