Advertisers

Advertisers

2 Tsekwa, 2 Pinoy timbog sa P32m ismagel yosi

0 740

Advertisers

Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group(CIDG-3) at Barangay Intelligence Network (BIN) ang apat katao kabilang ang dalawang Chinese National na may-ari ng smuggled at pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Zone 6 Brgy. Burol 2nd Balagatas, Bulacan.

Sa report ni PLt.Col. Luke Ventura kay CIDG Director PMGen. Albert Ignatius D. Ferro, kinilala ang mga nadakip na si Zeng Qiangjian, 42, ng Bigaa, San Juan, Balagtas; Lin Shanxiong, 48, kapwa negosyante ng #051 Stella, Maris Subd. Stella Maris Avenue, Maybunga, Pasig City; John Bejay Agujar y Cayas, 25, binata, helper, ng Brgy. Tabon, Pulilan; at Rodolfo Brosas Y Embalsado, 45, binata, ng Brgy. Malis, Guiguinto, Bulacan.

Base sa imbestigasyon ni PMSGs Jayson Dela Cruz, Linggo ng madaling- araw, nang isagawa ng mga pulis ang buy bust operation sa nabangit na lugar,



Matatandaang milyong halaga rin ng pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga pulis sa Pangasinan, Subic sa Olongapo, at Pampanga na umabot na sa higit isang milyong piso.

Nabatid na mudos nang mga suspek ang pagbebenta ng paper cup, na inilalagay sa likurang bahagi ng kanilang close van, habang nasa loob o dulong bahagi ng sasakayan nito ang kahon ng mga sigarilyo na ibinebenta ng patago.

Nasa higit 1,384 kahon ng iba’t-ibang uri ng sigarilyo ang nakumpiska ng mga awtoridad na nagkakahalaga ng P32 million.

Nakumpiska rin ang isang Isuzu elf truck na may plate no. CBJ-6630.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art. 189 of the Revised Penal Code (unfair competetion, Fraudulent registration of Trademark, Tradename or Service mark, Fraudelent designation of origin and false description), at paglabag sa R.A 7394 (The Consumer Act of the Philippines), R.A 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) and R.A 1937 (An Act to revise and codify the tariff and custom law of the Philippines.(Thony D. Arcenal/Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">